Sunday, June 30, 2013

Panganiban nag Oath taking sa bayan ng Pola, Oriental Mindoro


Ni: Thess Q. Angeles

Pola – Isang makasaysayan seremoniya na isinagawa sa bayan ng Pola sa Parokya Ni San Juan Bautista, Pola, Silangang Mindoro nito lamang ika 30 ng Hunyo, dahil dito dinaos ang panunumpa ni Mayor Leandro P. Panganiban Jr. para sa ikalawa nitong termino bilang alkalde ng naturang bayan.

Hindi mahulugang karayom ang mga dumalo sa espesyal na okasyon ito. Dahil tagumpay ito  hindi lamang para sa mga kaanak at kaibigan ni Panganiban kundi sa buong  mamamayanan ng Pola.

Nanumpa din dito ang mga na halal at mga bagong halal na mga konsehales ng bayan ng Pola, naroroon din ang outgoing Vice Mayor na si Raul A. Pagcaliwagan upang magbigay ng kanyang pasasalamat sa taumbayan,  bago nito lisanin ang puwesto niya bilang ikalawang punong ama ng nasabing lugar.

Umikot ang talumpati ni Pagcaliwagan sa tatlong bahagi, ito ay ang pag-bati, pag-papasalamat at pag-habilin. Ayon dito, bagamat siya ay hindi pinalad noong nakaraang eleksyon, ang kanya, aniyang tahanan ay mananatiling bukas para sa lahat ng mga nangangailangan nang kanyang tulong, lalo’t higit sa mga taumbayan ng Pola.


Buong paghanga naman ang ibinigay ng taumbayan kay Panganiban sa bawat katagang binibitawan nito sa kanyang talumpati. Binaybay ang mga bagay na dapat at hindi dapat mayroon sa ilalim ng kanyang administrasyon, isang na dito ang istilo ng sapawan ng mga namiminuno sa bawat departamento nang munisipyo, maging sa mga konsehales at  iwasan ang mga usaping hindi makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 

Anito, kung mayroon man hindi pagkakaunawaan ang bawat isa ay pag usapan agad upang hindi na ito humaba pa.


Sinabi din ng alkalde na “walang sino man po ang may-ari ng munisipyo, lahat po tayo ay may karapatan dito dahil sa atin pong lahat ito", diin pa ni Panganiban.


Panoorin po natin ang kabuoan ng talumpati ni Mayor Leandro P. Panganiban Jr. sa You Tube at http://youtu.be/Zj67Chrdt-c



No comments:

Post a Comment