Ano ba talaga ang basehan ng pagpapatupad ng isang ordinansa sa isang lugar? Ito ba talaga ay kailangan? Sino ba ang makikinabang ng ordinansang ito? May pakinabang nga ba ito sa nakakarami o iilan lamang? Ito ang mga tanong ng maraming turista, negosyante at common tao sa Puerto Galera na tinaguriang mala DALAMPASIGANG PARAISO o Heart of Asia ng Pilipinas?
Kilala ang bayan ito sa buong Pilipinas, dinarayo ito ng mga tao mula sa ibat ibang panig ng bansa, mga artista at samo’t saring turista buhat sa bansang nakapaikot sa globa. Bakit nga ba sila pumupunta dito?
Larawan ng front beach ng White Beach, Brgy. San Isidro, Puerto Galera, Or. Mindoro |
May kanya kanya sila mga dahilan ang iba nagpupunta para kumita, dahil
hindi lamang turismo ang hinahandog ng Puerto Galera pati na din ang pang ekonomiya. Makikita na ang mga establishments katulad ng Candava Supermarket, New Virgo Grocery, Parkway Supermarket, Castillo Store ang mga popular na supermarkets sa Puerto Galera. Mayroon na din mga pangunahing bangko kabilang na dito ang Allied Bank, Rural Bank of Puerto Galera, Maxbank, at iba pang mga microfinance bank.
Larawan ng mga Restobar and Grill sa may bahagi ng White Beach, Brgy. san Isidro, Puerto Galera, Or. Mindoro |
Madami din ditong mga negosyante
ang pumasok upang magtayo ng mga restobar and grills sa tabing baybayin ng
dagat. Hindi maipagkakaila na malaking tulong ito sa LGU o Local Government Unit ng naturang bayan, sapagkat nadadagdagan
ang tax collection ng Lokal na Pamahalaan.
Ito din ay bentahe sa mga mamamayan sa lugar, sapagkat nabibigyan ang mga ito
ng trabaho ng mga pumapasok na mga investors
sa Puerto Galera.
Larawan ng tabing dagat ng White Beach, Brgy, San Isidro, Puerto Galera, Or. Mindoro |
Kung hindi na nga maawat ang pagtaas ng antas ng turismo at ekonomiya sa bayan ito, bakit kailangan pang awatin ng isang ordinasang hindi naaangkop at nakakasira ng promosyon ng Puerto Galera sa bilang tourist destination.
Isang ordinansang sinusugan ang
Kautusan Blg. 02-06, na may titulo (“KAUTUSAN NA NAGBABAWAL NA GAMITIN ANG
BAHAGI NG WHITE BEACH NA LAGYAN NG ESTRAKTURA AT LAMESA NG MGA RESTAURANT, MGA
BAR, RESORT AT COTTAGES BILANG KAINAN MGA CUSTOMERS AT MAGTATATOO”) NG BRGY.
SAN ISIDRO, PUERTO GALERA, SILANGANG MINDORO., Dito nakasaad na “marami na rin
ang naging pagbabago sa pang-ekonomiyang pamumuhay ng mga residente lalo na ang
pagnenesgosyo sa baybayin ng White Beach”.
Larawan ng mga lamesa sa White Beach, makikita dito na maayos nga ngunit kulang, sa mas dumadaming bilang ng mga turistang pumupunta sa Puerto Galera. |
Nakalagay din sa mga regulasyon ng ordinansang ito ay ang “isang hanay
lamang ng mga lamesa na may sukat na hindi lalagpas sa 240 sentimetro o 96
pulgada o 8 talampakan pahaba at luwang na hindi lalagpas sa 180 sentimetro o
72 pulgada o 6 talampakan.”
Sa mga nabanggit ng ordinansang
ito makikitang mayroon pagkakamali ang may akda o gumawa at mga nagpatupad ng ordinansang
ito. Ayon sa nakasaad dito na, “marami na rin ang naging pagbabago sa
pang-ekonomiyang pamumuhay ng mga residente lalo na ang pagnenesgosyo sa
baybayin ng White Beach”. Alam na pala ninyong malaki ang pababago sa pangkabuhayan
ng mga tao sa lugar, bakit ninyo ipinagbabawal ang mga paglalagay ng mga
estraktura at lamesa sa mga harapan ng mga may - ari ng mga naturang establishments?
Larawan ng mga dumadaming bilang ng mga turistang nagtutungo sa White Beach, Brgy,. San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro |
Paano
kung madaming turistang gustong kumain
sa restaurant ano yoon naka tayo silang
kumain? Ano ba ang balak ninyong gawin sa mga negosyante na may-ari ng mga restaurant,
patayin ang mga negosyo nila? Naisip ba ninyo kung ano ang magiging epekto nito sa pang – kahalatan, una na dito
ay ang kawalan ng mga trabaho o hanapbuhay ng mga residente at sa mga mamamayan
ng Puerto Galera. Pag nawalan ng trabaho,ibig sabihin wala silang maipapakain
sa kanilang mga pamilya. Kaya ba ninyong tugunan ang kanilang mga
pangangailangan?
Sa parte naman ng mga turista,
ang hanap ng mga ito ay makakita sila ng mga kakaibang tanawin, ibat ibang
mapagkakalibangan at magkaroon ng karanas sa ibang lugar. “Kung ang pagkain at
paginom na mga nakatayo, ay ibang karanasaan nga ito”. Na tiyak naman masasabi
nila sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak na ang pangit pala ng sistema ng
mga restaurant sa White Beach. Nais ba natin mawalan tayo ng mga turista dahil
lamang sa bulok ninyong ordinansa?
Nagtatanong lamang ang pitak na ito sa pamunuan ng Lokal na Pamahalaan
ng Puerto Galera at Department of Tourism
kung sa tingin ba ninyo tama ang ordinansang ito? Naaangkop ba ito sa panahon
bumubulusok na ang turismo ng Puerto Galera at nakakasabay na ito sa mga ibang
tourist spots sa bansa?
No comments:
Post a Comment