Friday, June 28, 2013

Kapitan kapitan ikaw ba’y may paki alam?


Nakakagulat na isipin ang ilan mga barangay kapitan ay hindi talaga ginagampanan ang kanilang mga tungkulin bilang ama ng barangay. Kung ano ba talaga ang kanilang mga obligasyon sa kanilang pinamumunuan lugar.

Hindi lamang iisa o iilan ang mayroon ganitong estilo sa kanilang pinaglilingkurang pamayanan. Nakakalungkot man isip ngunit may ganitong pangyayari dito sa Lungsod ng Calapan.

Isang eksenang hindi mo kayang tapatan, hindi gagalaw dahil takot mawalan ng ilan taong boboto sa kanya sa susunod na halalan. Kahit na alam niya na ito ay taong hindi gagawa ng mabuting kapakinabangan sa loob ng kanyang pamayanan.

Kaanak, kaibigan, kumpare, kumare at kapamilya ay hindi dapat pagtakpan ang kanilang mga ginagawang anomalya lalo’t higit ang mga illegal na sistema. Base sa akin pagkakaalam mayroon duties and obligations ang mga ito sa kanyang nasasakupan.

A punong barangay is responsible for implementing all ordinances, resolutions and laws in the barangay. They are in charge of governance, financial stability, development provisioning, leading the barangay legislation or workforce and ensuring peace and order within the community.
 A barangay captain also acts as liaison between his community's people and higher government officials such as city or municipality mayors and province governors. They control all meetings and assemblies with the barangay officials, help with the mayor's government obligations and facilitate all basic services in accordance with the law.
 Barangay captains have the power to appoint and remove barangay officials. They organize community programs, facilitate fund-raising activities and promote the welfare of their community. They make sure that everyone is orchestrated towards the improvement and the betterment of the barangay, their properties, cleanliness and orderliness.
 Ensuring peace and order within the community! Ito ay maliwanag na resposibilidad ng isang brangay kapitan sa mapanatili ang kaayusan sa kanyang kumunidad. Hindi kunsintihin ang mga illegal at kaguluhan sa kanyang lugar.
Alam ba ito ng mga na halalal na mga kapitan o basta na lamang nailuklok ng walang sapat na kaalaman. Ayon pa din sa aking pang unawa ang isang tumatakbong kapitan ay dapat mayroon mga qualifications na tugma sa hinihingi ng law of the Philippines.

Candidates for punong barangay must be eighteen years of age, bona fide citizens of the Philippines and have at least six months' residency in the concerned barangay prior to the election. They must also be literate, have no criminal records, be mentally fit and knowledgeable of the Philippine law. All individuals who have been declared insane or have been sentenced for corruption, rebellion or have received any sanction of more than eighteen months will be automatically disqualified.

Ngunit, bakit mayroon kapitan dito sa Calapan City na pinagtatakpan ang mga illegal na ginagawan ng kanyang mga kabarangay. Saan ka naman nakakita na kahit alam na niya na mayroon nagtutulak o nagtitinda na ipinagbabawal na gamot (shabu) sa kanilang lugar ay hindi pa din niya ito sinasawata.

Ang paliwanag umano ng kapitan ay “pinagsabihan ko na naman yan na tigilan na ang pagtutulak, dahil hindi tama; pag naman nakikita nila ako nagtatago sila” Nakakatuwa naman po ito kapitan!!!!! Hahaha…. Ako’y hanga talaga sa inyo… Saan ka naman nakakita na nagtitinda ng droga sa harapan mo? Para ka naman bago ng bago sa luma? Napaka uncalled for ng rason mo? Tapos ang sabi pa daw umano ng kapitan na nabawasan ako ng mga botante! Kaibigan ko pa naman ang mga magulang noon na huli ng PDEA”. So, klaro sa amin lahat na kaya pala hindi mo ito ginagawan ng aksyon dahil mawawalan ka ng botante at dahil sa kaibigan mo ang mga magulang nito.

Dito, maliwanag pa sa sikat ng araw na kaya pala ganito ang nangyayari ay dahil sa hangarin pangpolitika lamang na kahit mapinsala ang mga buhay at kalusugan ng iba pang tao sa inyong kumunidad ay ayos lang. Ganyan pala ang panuntunan ng kapitan na walang paki alam at pansarili lamang ang kanilang pinahahalagahan.

Sana bago ka tumakbo ulit sa susunod na halalan alamin mo muna mabuti sa iyong sarili kung dapat ka pa bang manungkulan? Aba makonsensya ka naman!!!! Tinamaan ka ng kulog puro ka palubog sa mga taong nagdudurog… Tsk,tsk,tsk malamang hindi lamang yan ang anumalyang iyong kinukupkop at pinatutulog. Hoy!!! Kupitan este kapitan maawa ka naman sa ibang mga tao na iyong pinababayaan. Huwag ka naman ganyan, kung wala kang pangil sa iyong nasasakupan aba mag resign ka na lang o huwag ka nang tumakbo sa susunod na halalan.

Mayroon din bang mga ganitong kapitan sa inyong lugar, kakawa kayo kung ganoon man. Matuto tayong mamili ng mga tao na ating pagkakatiwalaan upang maging ama ng ating barangay.


Kapitan huwag ako, basag din pala ang pula mo..

No comments:

Post a Comment