Thursday, May 30, 2013












nadaya ba o talo talaga?
Ni: Thess Q. Angeles

Kakatapos lang ng 2013 National at Local Election, nagging abala ang lahat ng mga tao, datihan at baguhan mga kandidato sa ibat ibang panakinig ng bansa, mga taong sumusuporta sa kani-kanilang pambato. Mga taong gustong tumulong at mga tao din gustong makahingi ng mga tulong. Hindi din naman mawawala ang mga taong panggulo at amuyong sa kandidatong tumatakbo.

Natural mayroon din mga tinalagang  tauhan para mamahala pagdating sa kampanyahan. May mga political staff, coordinator’s, watcher’s, p.r. officer’s at kung ano ano pang katungkulan. Sa dami ng mga ito, aba dapat kahit papaano alam na ng kandidato ang status niya sa lugar na kanyang ginagalawan.

Natapos na ang eleksyon at naiproklama ang mga halal ng bayan ngunit bakit madami pa din sa mga natalong politiko ang ngawa ng ngawa na para bang mga palaka.

Tulad nitong tumatakbong  M sa bayan ng P?? Nagulat daw ito umano noon hindi siya ang nanalo bilang M., sabi daw kasi ng kanyang mga coordinator’s hawak na daw nila ang ibat ibang barangay sa lugar. Sa laki daw ng kanyang mga nagastos  at mga ipinamudmod sa mga tao tiyak daw na wala na siyang katalo-talo. Pati sabi diumano sa kanya ng isang “manghuhula” na siya ay mananalo bilang alkalde… Hahaha bakit hindi mo muna itinanong kung kaylan at saan lugar? Kaya nga hula diba? Maaring totoo, pwede din naman hindi…Oh! dapat balikan mo yoong manghuhula ngayon at tanungin mo sa pagaartista kaya may future pa ako? Hahaha...Chill ka lang ha ang pikon ay laging talo. Oooopppps…!!!!!!!!!!!!!baka naman bawiin mo ang mga naibigay mo na sa mga tao ha??? Ang pagkakaalam ko kasi ganyan din sa ginawa ng kamag-anak mo noong natalo ito bilang barangay kapitan sa isang barangay diyan sa inyong lugar.. Ano ba daw yoon isang bangka? Hehehe… ganun pala yoon may bawiin pagnatalo? Ouch.. tapos ngayon sabi mo nadaya ka? Saan banda? Ganyan naman talaga ang mga natatalo palagi may finger to point to, sasabihin nadaya,nag vote buying ang kalaban. Bakit hindi mo na lang tanggapin ng maluwag sa puso mo ang iyong pagkatalo?  Mga kaibigan kilala ba ninyo kung sino ang aking nasa hot sit? Kung kilala ninyo ibulong niyo na lang sa katabi niyo…hahaha….

Mukha ngang nagiba na ang takbo o sistema ng pulitika sa bansa, hindi na ngayon masyadong interesado ang  taumbayan sa pera ng mga kandidato. Mabuti naman dahil kung lumang sistema palagi ang papairalin natin ay mas malaki ang epekto nito sa atin sa mga susunod pang panahon.

Dito din makikta na hindi na uso sa publiko ang black propagandang inilalabas ng mga politikong sakim sa kapangyarihan, na kahit anong masasamang paninira sa kalaban ay hindi na uubra sa taong nagiisip ng maayos at maunlad na kinabukasan.



No comments:

Post a Comment